 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 17 August 2025 |
| |
|
Manindigan. Tulad ng tabak, ang Salita ng Diyos ay nakakasugat sa pusong pinatigas ng pagsasawalang-kibo. Ginigising nito ang budhi ng sambayanan. Panawagan sa bawat binyagan na maging mabisang saksi ng panlipunang pagpapanibago.
Una, kailangan nating manindigan para sa katwiran. Sabi nga ni C.S. Lewis: “Walang neutral na lugar sa sansinukob; bawat pulgada, bawat segundo ay inaangkin ng Diyos at tinututulan ni Satanas.” Kasama ni Jesus, hindi tayo maaaring manatiling walang kibo. “Neutrality in the face of evil is complicity.”
Ikalawa, kailangan nating makisangkot. “Ang mundo ay nagiging mapanganib hindi dahil sa mga gumagawa ng masama kundi dahil sa mga nanonood lamang at walang ginagawa.” Ang pinakamalaking kaaway ng pagbabago ay ang kawalang-pakialam.
Ikatlo, kailangan ang pagbabago ng isip. Ipinakita ng scientist na si Thomas Kuhn na halos lahat ng mahahalagang 'breakthrough' sa larangan ng agham ay nagsimula sa pagtalikod sa luma at nakasanayang paraan ng pag-iisip. The world we want to build begins in the conversion of our hearts and the renewal of our way of thinking.” (St. John Paul II)
*Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon (K) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|