Share the Thought by Msgr. Andro
18 August 2025
 
Pag-ibig lamang ang magpupuno sa lahat. Tinupad na ng binatang mayaman ang lahat ng Utos ng Diyos ngunit may kulang pa rin sa kanya. Pwede nga palang "perfect" ka sa Ten Commandments ngunit kulang pa rin sa pagmamahal. Hindi nga nagsisinungaling ngunit hindi rin tumutulong sa nangangailangan. Sumisimba nga ngunit makasarili naman. Kahit sumusunod sa mga utos, kung walang pagmamal sa kapwa ay kulang at kulang pa rin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN