 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 20 August 2025 |
| |
|
|
Sadyang sagana sa kagandahang-loob. Ganyan ang ating Diyos. Sa talinhaga ay walang dinaya ang may-ari ng ubasan. Lahat ay tumanggap ng isang denaryo na siyang napagkasunduan. Tayo ang mga manggagawa. Sa biyaya ng Diyos ay walang una at walang huli. Lahat tayo ay tumatatanggap. Ni wala nga tayong karapatan sa biyaya dahil lahat tayo ay nagkakasala. Kung "maisip" at mapaghiganti ang Diyos, wala tayong tatanggapin. Salamat at mabait Siya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|