Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
24 August 2025
 
Makipot. Kapag pinili natin ang daan ng katwiran, nililimitahan na natin ang ating pagsasalita at pagkilos. Lahat ng ito ay dapat maayon sa ating naunang pasya na piliin ang tama at mabuti.

Hindi ito hadlang para maging malaya. Kapag ang isang lalaki ay nagpakasal, lahat ng kanyang pasya ay limitado na ng kanyang piniling buhay. Sabi ng marami, "nakatali na" at "hindi na malaya." Ang totoo, higit siyang malaya na mahalin ang kanyang kabiyak.

Sa pagpili natin sa makipot na daan ng pagpapaka-Kristiyano, higit na malaya ang ating puso para sa Diyos.

*Ikadalampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN