Share the Thought by Msgr. Andro
24 August 2025
 
Wala naman tayong damit nang tayo ay isilang. Simpleng puting damit lamang nang tayo ay binyagan. Bakit ngayon, kung anu-ano ang nakabalot sa ating katawan? Pati kaluluwa'y marami nang pasanin. Kaya pala hindi tayo magkasya sa "makipot na daan" papunta sa langit. Maraming "bagahe" ng buhay ang nakasabit sa atin. Kapag ganyan ay hindi na nga tayo "makikilala" ni Jesus. Isuot natin ang kababaang-loob at pag-ibig. Kasya tayo sa pinto ng langit.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN