Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
25 August 2025
 
Hipokrito. Galing sa salitang Griego, "hypokrites," na ang kahulugan ay 'aktor' o 'stage player.' Ang aktor ay gumaganap ng papel na hindi sumasalamin sa kanyang tunay na pagkatao. Umaarte lang siya ayon sa hinihingi ng script.

Sa larangan ng relihiyon, maaaring iangkop ang salitang 'hipokrito'. Paimbabaw ang kabanalan kung ang ating dasal ay hindi makikita sa asal. Kung tayo'y 'sumasamba' sa Diyos pero nagsasawalang-kibo sa lantarang paglapastangan sa dangal ng buhay at ng kalikasan.

Pagsumikapan nating maging banal hindi lang sa kilos at anyo, kundi sa ating puso at gawi.

Lunes sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN