Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
30 August 2025
 
Katiwala. Hindi pwede ang 'pwede na.' Anumang kaloob na tinanggap natin ay dapat linangin. Marami man o kaunti ang ating tinanggap, dapat ipagpasalamat at pagyamanin.

Ang katamaran ay hindi lang ang pag-iwas sa gawa. Ito rin ay kawalan ng pagkukusa. Kung tayo'y mabuting katiwala, tutuklasin natin sa mapanlikhang paraan ang mga posibilidad para mapaunlad ang sarili nang higit kaysa dati.

*Sabado sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN