Share the Thought by Msgr. Andro
01 September 2025
 
Patuloy ang pagninilay ukol sa mga dukha. Binasa ni Jesus ang pahayag ni Propeta Isaias at inangkin ang mga salitang "Hinirang niya ako upang ipahayag sa mga dukha ang Mabuting Balita." Angkinin din natin ang misyong ito para sa mga kapus-palad. Sa kanila'y konkreto nating ipadama ang Mabuting Balitang mayroon Diyos na kumakalinga. Tayo sana ay maging kamay ng Diyos. Padaluyin natin sa pagdamay sa dukha ang pag-ibig ng Panginoon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN