Share the Thought by Msgr. Andro
03 September 2025
 
Halos araw-araw ay may pakiusap sa akin na mag-alay ng dasal. Pagkatanggap ng mensahe ay agad kong ibinubulong sa Diyos ang ganoong kahilingan. Mahalaga ang manalangin para sa iba. Sa ebanghelyo ngayon ay ipinamanhik ng mga tao kay Jesus na pagalingin ang biyenang babae ni Simon at lahat ng mga maysakit. Pinagaling nga sila ni Jesus. Huwag tayong magsasawang magdasal para sa kapwa. Diringgin 'yon ng Panginoon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN