Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
03 September 2025
 
Biyaya. Hindi dapat maniwala o umasa ang isang Kristiyano sa swerte. Lahat ng nangyayaring mabuti ay galing sa Diyos. Ang swerte ay walang kaakibat na ugnayang personal sa Lumikha. Sa grasya, kinikilala nating konektado ang ating buhay sa Diyos na nagpapala.

May kasamang pananagutan ang bawat biyayang ating tinatanggap. Tulad ng biyenan ni Pedro na "pinagaling at naglingkod." Ang taong pinagpalà ay dapat maging pagpapalà sa kapwa.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN