 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 04 September 2025 |
| |
|
Laot. May likas na paghahangad ang tao sa mga bagay na madali at maalwan. Subalit ang utos ni Kristo ay iwan ang 'comfort zone,' at pumunta sa lugar na walang kaseguruhan.
Ganito ang misyon. Ang paglayo sa pampang - sa safe side - ng ating buhay upang tahakin ang mahirap, pero mabungang, aspeto ng paglilingkod. Sa 'laot' ng pagkikisangkot, magkakaroon ng maraming huli sa lambat ng Panginoon.
*Huwebes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|