Sa Isang Salita: 'Liwanag' ni Msgr. Noel
20 May 2020
 
Si Hesus ang Salita. Ang Espiritu Santo ang Liwanag. Sa pagpapahayag ng Diyos ng sarili, magkaugnay ang Salita at ang Liwanag. Habang nangangaral si Hesus, kumikilos din ang Espiritu sa puso ng mga nakikinig upang maunawaan ang kanyang aral.

Ang buong buhay ng isang Kristiyano ay pamumuhay ayon sa Espiritu. Nagbubunga ang Salita sa bisa ng pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Kahit anong galing ng pagkakahabi ng salita ng tagapangaral, wala itong kapangyarihang magpabago ng puso kung walang liwanag na kaloob ang Espiritu Santo.

"Pagdating ng Espiritu ng katotohanan," ani Hesus, mabibigyang liwanag ang lahat ng kanyang ipinahayag.

Patuloy na kumikilos ang Espiritu sa ating panahon. Sana'y maging bukas ang ating puso. Maging laan at handa sa pagpapanibago.

*Miyerkukes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN