Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 September 2025
 
Tanging Ina. Sabi ni Papa Francisco: si Maria ang Inang kumalinga kay Hesus mula sa sabsaban hanggang sa Kalbaryo. Sa ating panahon, kinakalinga niya nang may maka-inang paglingap ang ating sugatang daigdig. Kung paano niya tinangisan noon ang kanyang Anak na naghihirap sa Krus, ngayon ay tinatangisan niya ang kalikasan at ang mga dukha na naghihirap sanhi ng pag-aabuso at pagsasamantala ng tao.

Ang ating Mahal na Ina ang ating huwaran ng aktibong pakikisangkot sa pagpapanumbalik ng kaayusan ng sangnilikha, na sinugatan ng kasalanan ng kasakiman at pagkamakasarili.

Ngayong kaarawan ni Maria, Ina ng Simbahan, hilingin nating ipanalangin niya ang ating lipunan upang mapangalagaan ang mga nilikha sa daigdig nang may panlipunang pananagutan at paglingap.

*Setyembre 8, Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN