 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
09 September 2025 |
|
|
Anuman ang gagawin, simulan ito sa panalangin. Magdamag na nanalangin si Jesus bago niya piliin ang labindalawang apostol. Ang salaysay ay mula kay San Lucas na ang ebanghelyo ay nakatuon sa pananalangin. Tunay na mahalaga ang gagawin ni Jesus na pagpili ng kanyang makakasama at mangunguna sa Simbahan. Marami rin tayong gawain at pagpapasya. Baka tayo magkamali. Samahan natin ng dasal. Kasama ang Diyos, ito'y mauuwi sa tagumpay. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|