 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 09 September 2025 |
| |
|
Pinili. Hindi perpekto ang mga apostol na hinirang ni Hesus - may mga mangingisda, may maniningil ng buwis, may marupok. Subalit sa kabila ng kanilang kahinaan, sila’y tinawag at pinili ng Diyos.
Ang pagiging alagad ay hindi dahil sa ating kakayahan o merito lamang, kundi sa awa at biyaya ng Diyos. Ang mahalaga ay ang tugon natin sa tawag—ang handang sumama, makinig, at maglingkod.
*Martes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|