Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
10 September 2025
 
Mapalad. Magandang 'kapalaran' ang tingin ng mundo sa mga nagkamal ng yaman sa lipunan. Subalit kung alipin naman ang kanilang puso ng kanilang ari-arian, sila ang tunay na 'sawimpalad.'

Sa mata ng mundo, ang mga taong dukha ay hindi nga 'pinalad.' Subalit kung malaya ang kanilang puso sa paghahangad at tanging Diyos ang kanilang yaman, sila ang tunay na 'mapalad.'

*Miyerkules sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN