Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
11 September 2025
 
Ang nagbibigay ay bibigyan din at labis pa. Napakaliwanag nito sa ebanghelyo ngayon. "Magbigay kayo at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa." Tunay na hindi mahihigtan ang kagandahang-loob ng Diyos. Nag-uumapaw ang kanyang kabutihan. Dumadaloy ang kanyang pagpapala. Ang munting handog natin ay kanyang ibabalik nang sagana. Dapat walang maramot dahil hindi nagdaramot ang Diyos.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN