 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
13 September 2025 |
|
|
Bunga. Ang ating puso ay tulad ng sisidlan. Kung ano ang lagi nating isinisilid dito, kusang aapaw para makita ng lahat. Likas na lumilitaw ang tunay na ugali ng tao sa kanyang mga pasya at desisyon.
Kung paanong ang mabuting puno ay makikilala sa pamamagitan ng bunga nito, gayundin naman, ang ating pagkatao ay mahahayag sa pamamagitan ng ating mga sinasabi at ginagawa.
*Sabado sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|