 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
14 September 2025 |
|
|
Banal na Krus. Ang pag-ibig ng Diyos ang nanaig, kaya ang kamatayan ay kanyang nalupig. Ito ang kahulugan ng tagumpay ng Krus. Ang pagbaba ng Diyos sa ating abang katayuan ay hindi nagpabawas kundi lalo pang nagpaganap sa kanyang pagka-Diyos.
Ito ang hiwagang isinawalat ng pag-ibig ng Diyos doon sa Krus. Sa pag-aalay, tayo makatatanggap. Sa pagpanaw, tayo magkakamit ng buhay.
*Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|