 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
15 September 2025 |
|
|
Stabat Mater. Nakatayo si Maria sa paanan ng Krus doon sa Kalbaryo. Hindi lamang Siya nagmamasid buhat sa malayo. Siya ay karamay ni Hesus sa kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Siya ay kaisa rin natin sa ating mga paghihirap.
Ang buong ministeryo ng Simbahan ay ministeryo ng pakikiramay. Tulad ng Mahal na Ina, ang ating misyon ay pumasok sa lugar ng dalamhati at paghihirap upang maging mapanligtas na presensya ng Diyos sa ating panahon.
*Setyembre 15, Pag-aalaala sa Mahal na Birhen Dolorosa |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|