Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
16 September 2025
 
Karamay. Ang Diyos ay hindi nagmamasid sa tao buhat sa malayo. Siya ay karamay natin sa lahat ng nagaganap sa ating buhay. Malalim ang kanyang pakikisangkot sa ating katatayuan sapagkat siya'y naging taong tulad natin.

Pumasok siya sa katatayuan ng mga nagdadalamhati. Mapanligtas ang Kanyang pagdamay. Nagbibigay ng buhay at dangal.

*Martes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN