Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
17 September 2025
 
Pagdalaw. "Sala sa init, sala sa lamig." Malimit nating hanapin kung ano ang wala, subalit hindi natin pinapansin kung ano ang nandyan. Dahil dito, nalalampasan tayo ng paggalaw ng biyaya ng Diyos sa ating buhay. Iniiwasan natin ang panawagan sa pagbabago.

Buksan natin ang ating mga pandamdam na ispiritwal upang maranasan ang pagdalaw ng Diyos. Nagsasalita siya sa mga tanda ng panahon.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN