 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
18 September 2025 |
|
|
Debosyon. Ang pagmamahal kay Hesus ay maihahalintulad sa pag-iibigan ng magsing-irog. Hindi ito dapat ikahiya o itago. Dapat hayagan itong ipinapakita.
"Personal at hindi trabaho lang" ang ugnayan ng mga nananalig kay Kristo. Debosyon at hindi obligasyon lang sapagkat bumubukal sa tapat na pananalig.
Ang ating pagka-Kristiyano ay hindi lang pag-anib sa relihiyon; ito ay personal na relasyon kay Kristo.
*Huwebes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|