Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
23 September 2025
 
Kapamilya. Hindi lang sa dugo nasusukat ang kaugnayan natin sa iba. Higit na malalim kaysa ugnayang pisikal ang ugnayang nakaugat sa espiritu.

Sa pananampalataya at binyag, naging kapatid natin si Hesus. Tayo'y naging mga anak ng Ama, at lahat ng binyagan ay ating mga kapatid.

Bilang kapamilya ng Diyos, dapat tayong maging saksi sa mga pagpapahalaga ni Hesus sa harap ng kalakaran ng lipunang sumasalungat sa kanyang aral. Ito ang tunay na ugnayang nakaugat sa espiritu.

*Martes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN