 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 23 September 2025 |
| |
|
|
Magkasunod ang Talinhaga ng Manghahasik at ang ebanghelyo ngayon. Sinadya ito ni San Lucas. Nais niyang ipakilala na si Maria yaong binhing nahasik sa matabang lupa sapagkat siya 'yong nakinig ng salita ng Diyos at tumupad nito. Ang huwaran natin ay ang Mahal na Ina. Gayundin si Santo Padre Pio. Narinig niya ang salita at isinabuhay niya ito habang "nananalangin, umaasa at di nababalisa." |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|