Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
25 September 2025
 
Konsensya. May mga sandaling dumaranas tayo ng pagkabagabag. Paraan ito ng paghipo ng Diyos sa ating budhi. Tinatawag tayo para magpanibago.

Sa ebanghelyo, lubhang nabagabag si Herodes nang mabalitaan ang mga bagay tungkol kay Hesus. Pero hindi ito nauwi sa pagbabagong buhay.

Huwag nating palampasin ang pagdalaw ng Diyos sa mga sandali ng pagkabagabag. Ito ay pintuan sa mas malalim na kaugnayan kay Hesus.

*Huwebes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN