 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 26 September 2025 |
| |
|
Pananalig. Para kay Pedro, si Hesus ang kasagutan sa pinakaugat ng kanyang pananabik at pangarap. Hindi Siya isang guro lamang o propeta, kundi ang mismong dahilan ng buhay.
Sa gitna ng krisis at kaguluhan sa lipunan, si Hesus ang ating katiyakan. Kung tayo'y mananalig, mauunawaan natin na ang pinakamalalim na hinahangad ng puso ay hindi kayamanan o kapangyarihan, kundi ang Diyos na nagmamahal at umaakay sa atin.
*Biyernes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|