Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 October 2025
 
Desidido. Tumutukoy ito sa paggawa ng isang mahalaga at pinal na desisyon. Wala nang urungan. Ito ay pagtahak sa isang landas na di na mababago.

Ito ang babala ni Hesus sa mga nagnanais sumunod sa kanya. Ang pagiging Kristiyano ay isang pasyang panghabang-buhay. Dito, walang puwang ang pag-aalinlangan at pagkasalawahan.

Walang anumang bagay, yaman o kapangyarihan ang maaaring umagaw sa pusong itinalaga na sa Diyos.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN