 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 01 October 2025 |
| |
|
|
Kahanga-hanga ang kabanalan ni Sta. Teresita ng Batang si Jesus. Ganap niyang isinabuhay ang ebanghelyo, "Susunod po ako sa inyo kahit saan." Sa murang gulang ay nagpasya siyang "magpaalam sa kanyang kasambahay" upang magmadre. At sa araruhan ng buhay relihiyosa ay hindi na siya "lumingon" pa. Mahirap ang buhay sa kumbento. Dumanas pa siya ng karamdaman sa baga. Gayunman ay sinikap niyang tahakin ang "munting daan." Lupa'y naging langit. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|