 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 02 October 2025 |
| |
|
Anghel. Ang salitang 'anghel' ay tumutukoy hindi sa kalikasan kundi sa gawain. Ayon sa teolohiya, maraming espiritu sa piling ng Diyos sa langit. Tinatawag lang na anghel ang isang espiritu kapag siya ay sinugo para maghatid ng mensahe sa tao.
Ang mga anghel ay tanda at patunay ng probidensya at paggabay ng Diyos sa tao. Sa panahong ito na halos wala nang pagpapahalaga ang tao sa mga bagay na espiritwal, ang mga anghel ay nagpapaalaala na may higit pa sa buhay kaysa ibinibigay ng mundo. Kulang at kapos ang kahulugan ng makataong pag-iral kung walang dimensyong espiritwal.
*Oktubre 2, Kapistahan ng mga Anghel na Tagatanod |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|