 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Banal' ni Msgr. Noel |
| 22 May 2020 |
| |
|
Alin ba ang mas tama: ang "banal pero masaya" o ang "banal kaya masaya?" Sa makamundong pananaw, hindi maaaring magsama ang kabanalan at kasayahan. 'Kill joy' ang turing ng marami sa mga tumatahak sa landas ng kabanalan. Tila ba walang karapatang sumaya ang mga taong matuwid at tapat.
Halos lahat ng liham ni Papa Francisco ay may kaugnayan sa tuwa at galak: The Joy of the Gospel, Rejoice and Exult, The Joy of Love. Sabi niya, ang salitang 'masaya' o 'mapalad' ay katumbas ng katagang 'banal.' Ipinapahayag nito na ang mga taong tapat sa Diyos at sa kanyang Salita ang magkakamit ng tunay na kasayahan.
Sa biblia, itinuturo na ang susi sa kagalakan ay kabanalan. Ito ang pangako ni Hesus sa kanyang mga alagad bago siya umakyat sa langit: "At mag-uumapaw sa puso ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman."
"Joy brings deep security, serene hope and a spiritual fulfilment that the world cannot understand or appreciate." (Gaudete et Exultate, 125)
*Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|