 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
07 October 2025 |
|
|
Pahinga. Sa gitna ng kaabalahan, kailangan natin ang pananahimik at pananalangin. Ang taong nakaugat sa Diyos ay hindi basta nababagabag ng mga alalahanin sa buhay. Sa pagdarasal, nagkakaroon tayo ng maka-Diyos na pananaw. Nagagawa nating umangat sa mga pagkabalisa sa mga bagay ng daigdig.
Sa ating paggawa para sa Diyos, huwag nating kalimutan ang Diyos ng paggawa. Sa Kanya matatagpuan ang kapahingahan ng puso.
*Martes sa Ikadalawampu't pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|