Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 October 2025
 
Paghahari. Kay Hesus, dumating ang Paghahari ng Diyos sa ating mundo. Sa kanyang pangangaral at paglilingkod, dinanas natin ang presensya at pagkilos ng Diyos na nagliligtas. Hatid ng Paghaharing ito ang paglaya sa lahat ng kaalipinang sumisiil sa ating pagkatao at dangal.

Ang 'Ama Namin' ay isang bukal ng pag-asa ng lipunang lugmok sa kahirapan at kawalang-katarungan. Tuwing dinadasal ito, may kaakibat itong hamon na tayo'y maging instrumento upang maghari ang Diyos sa ating gitna.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN