 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
11 October 2025 |
|
|
Huwaran. “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito.” Ngayon, ang pakikinig sa Salita ay hindi lang pananalangin kundi pagtugon sa sigaw ng daigdig. Tulad ng sabi ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang pagiging tagapangalaga ng nilikha ay bahagi ng banal na bokasyon ng bawat Kristiyano. Ang pananampalataya ay dapat magbunga ng malasakit sa kapwa at sa kalikasan — lalo na laban sa mga gawaing sumisira rito tulad ng labis na paggamit ng fossil fuels.
Tunay na debosyon kay Maria ay hindi nasusukat sa ginto ng kanyang kasuotan, kundi sa pagkilos para sa buhay. Tulad niya, nawa’y marinig din natin ang tinig ng Diyos sa daing ng kalikasan — at tumugon ng may pag-ibig at pananampalataya.
*Sabado sa Ikadalawampu't Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|