 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
11 October 2025 |
|
|
Kadalasan ay nagmamalaki ang ina kapag sikat ang kanyang anak. Mistulang pinupuri si Maria bilang may sinapupunang nagdala sa Panginoon. Ngunit hindi iyon ang mahalaga, ani Jesus. Ang kapalaran ni Maria ay hindi ang pagiging Ina ng Panginoon kundi ang pagiging kanyang alagad. Tumpak ang sinabi ni San Agustin, "Bago pa man ipaglihi ni Maria si Jesus sa kanyang sinapupunan ay ipinaglihi na niya ito sa kanyang puso." |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|