 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pangalan' ni Msgr. Noel |
| 23 May 2020 |
| |
|
"Nomen est omen" (a name is a sign), ayon sa isang kasabihan sa wikang Latin. Ang pangalan ay hindi lamang parang tarheta na nakakabit sa ating pagkatao. Kaakibat nito ang pagkakakilanlan, karakter at maging misyon ng taong nagtataglay nito.
"Our name is our guarantee," ayon sa isang advertisement. May pangalan na maaaring pagtiwalaan at panghawakan. Hindi tinatalikdan ng taong may karakter ang kanyang salitang binitiwan. Nakakapit ang kanyang reputasyon sa pangalan.
Sa panalangin, isang pangalan ang nagbibigay sa atin ng kaseguruhan. Ani Hesus, "Ano man ang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo." Si Hesus ang ating katiyakan. Ang kanyang pangalan ang garantiya na ating hiling ay pakikinggan.
Si Hesus ang tagapamagitan natin sa Ama, ang nakikitang tanda ng di-nakikitang Diyos. Ang kanyang pangalan ay makapangyarihan. Ipinapahayag ito ng kanyang pangalang 'Hesus' [Yeshua; Jehoshua], na ang kahulugan ay, "ang Diyos ay tumutulong; ang Diyos ay nagliligtas."
*Sabado sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|