 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
17 October 2025 |
|
|
Minahalaga. Napakaliit ng ating araw at mundo: parang tuldok lamang sa maliit na bahagi ng kalawakan. Gaano pa kaya ang tao? Mortal at maiksi lang ang buhay. Ang ating pag-iral ay isang iglap lamang ang katumbas sa walang hanggan.
Pero sa kabila ng ating kaliitan, mahalaga tayo sa Diyos. Minahal Niya tayo nang higit pa sa ibang nilikha.
Tuwing tumitingala tayo sa langit para tingnan ang mga bituin, alalahanin natin na may Diyos na ang lawak ng pag-ibig ay lampas pa sa kayang abutin ng ating paningin.
*Biyernes sa Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|