 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
18 October 2025 |
|
|
Credential. Ang hamon ng Ebanghelyo ay maging 'kakaiba' sa sanlibutan — hindi upang humiwalay, kundi upang magbigay-liwanag. “The more we are different from the world, the more we become relevant to it.”
Ang pagkakaibang ito ay hindi pagyayabang, kundi kabanalan; hindi pagiging kontra, kundi pagiging konsensya ng lipunan. Tulad ni San Lukas, nawa’y maging ating credential ang pagiging buhay na ebanghelyo — mababasa sa ating mga gawa, maririnig sa ating malasakit, at mararamdaman sa ating pag-ibig.
*Oktubre 18, Kapistahan ni San Lukas, Ebanghelista |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|