 |
|
|
Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
20 October 2025 |
|
|
Hangal. Isang kahangalan ang kumapit sa salapi at kaligtaan ang pananagutan sa kapwa. Sabi ni Papa Francisco: "kapag ang salapi at materyal na bagay ay naging sentro ng ating buhay, bibihagin nito ang ating puso at tayo ay magiging alipin.”
Ang yaman ay kasangkapan lamang, hindi diyos na dapat sambahin. Kapag ang kayamanan ang naging sentro ng ating buhay, nawawala ang ating pagkatao — nagiging alipin tayo ng ating pagnanasa.
Gamitin natin ang yaman upang maglingkod, hindi upang mang-alipin; upang magpalaya, hindi upang magpaalipin. Sa ganitong paraan, magiging tunay na kayamanan ang ating pag-aari.
*Lunes sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|