Share the Thought by Msgr. Andro
21 October 2025
 
Kapag hindi pa nakasindi ang ilaw, ang bantay ay hindi pa handa.Paano niya agad matatanglawn ang kanyang panginoong dumating? Maliwanag ang pahayag ni Jesus. "Maging handa kayo... sindihan ang ilawan." Lamang na ng isang hakbang ang taong handa. Ang pahulihin ay sadyang maiiwan. Sa buhay man o sa pananampalataya, dapat tayong maging handa. Laging may sindi ang ilawan. Saka ka pa lang magsisindi? Ah, wala ka nang aabutan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN