 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 23 October 2025 |
| |
|
Kasamaan. Ang paglalaban ng Diyos at ni Satanas ay hindi lang isang ispiritwal na tunggalian. Kongkreto itong nagaganap sa kasaysayan.
Kapag ang kamalian ay naging sistema sa lipunan, nabubuo ito bilang istruktura ng kasalanan. "Nagkakatawang-tao" rin ang kasalanan sa anyo ng 'corporate greed', sa katiwalian, at sa mga sistemang nagpapahirap sa maralita. Ito ang tinatawag na structural sin — kasalanang naka-ugat mismo sa istruktura ng lipunan.
Ang pakikihamok para sa kabutihan ay tungkulin ng mga anak ng Liwanag. Ani Hesus sa ebanghelyo: "Naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan..."
*Huwebes sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|