 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 23 October 2025 |
| |
|
|
Wala namang saysay ang apoy kung di magniningas. Ani Jesus, naparito siya upang magdala ng apoy at sana'y napagningas na ito. Dapat ay nag-aalab ang pananampalataya. Nagbabaga ang pag-asa. Nag-aapoy ang pag-ibig. Kapag nanlalamig ay dapat muling pagningasin. Hindi naman tamang ang sinindihang kandila noong tayo ay binyagan ay kusang hinipan at hinayaan nang malimot. Panatilihin natin ang liwanag nito. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|