Share the Thought by Msgr. Andro
25 October 2025
 
"Tama na" vs. "Isa pa." Ganyan ang buhay. Minsan, suko ka na. Minsan, gusto mo pang subukan. Sa Talinhaga ng ebanghelyo, muntik nang sumuko ang may-ari ng taniman. Puputulin na sana ang puno ngunit may nakiusap na maghintay pa ng isang taon. Kung wala tayong tiyaga at kung tayo'y pabigla-bigla, ang kapwang may kahinaan ay hindi na makababawi. Sarado na ang pinto ng pagbabago. Kung tayo'y may habag, ang kapwa ay may pag-asa pa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN