 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 30 October 2025 |
| |
|
Layunin. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. "God doesn't play dice," ni Albert Einstein. Ang ating pag-iral ay may layunin. May pangarap ang Diyos para sa bawat isa.
Tinupad ni Hesus ang layunin ng pagkasugo sa kanya. Ang kanyang kamatayan ang rurok ng kanyang buhay na ginugol sa paglilingkod.
Gugulin nawa natin ang ating buhay ayon sa layunin ng Lumikha. Ang buhay ay hindi sugal. Tiyak ang ating panalo sa pakikiisa sa katuparan ng Kanyang pangarap.
*Huwebes sa Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|