 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 30 October 2025 |
| |
|
|
Tumangis si Jesus noon. Patuloy siyang tumatangis ngayon. Nakita niya ang napipintong pagkawasak ng Jerusalem. Nanghinayang siya sa tugon ng bayan sa panawagan ukol sa pagsisisi. Ngayon nga ay muling nagaganap ang pagtanggi ng tao sa alok ng Diyos. Tumatangis si Jesus sa katigasan ng puso ng tao. Patuloy ang pagsuway sa mga utos ng Diyos. Patuloy ang katiwalian at pagsasamantala. Hindi pa huli upang pigilin ang mga luha ng Panginoon. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|