 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 31 October 2025 |
| |
|
Kasabwat. Hindi lahat ng pananahimik ay mabuti. May pagkakataong kailangan nating magsalita upang magpahayag ang katotohanan. Ang pananahimik sa harap ng kasamaan ay pakikipagsabwatan.
Nang tanungin ni Hesus ang mga Pariseo kung bawal bang magpagaling sa Araw ng Sabat, hindi sila sumagot. Nanatili silang tahimik - kahit alam nila na mas mahalaga ang magligtas kaysa paalipin sa batas. Mas pinili nilang manatili sa kamalian kaysa pumanig sa katwiran.
Nawa'y gamitin natin ang kapangyarihang magsalita para magpalaganap ng liwanag at katotohanan.
*Biyernes sa Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|