 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 02 November 2025 |
| |
|
Pagpanaw. Likas sa tao ang matakot sa kamatayan. Ngunit may higit pa sa kamatayan na dapat katakutan: ang mabuhay nang walang katuturan.
Ang pamumuhay ayon sa Espiritu ay hindi takot mamatay, dahil alam nitong ang kamatayan ay pintuan lamang ng walang hanggan. Ang tunay na kamatayan ay hindi ang paglibing sa lupa, kundi ang pagkalibing ng budhi sa kasakiman at kawalang pakialam.
Ang pinakamagandang handog sa mga yumao ay hindi kandila o bulaklak, kundi isang buhay na tapat, matapang, at makatarungan.
*Nobyembre 2, Araw ng mga Yumao |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|