 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 09 November 2025 |
| |
|
Templo. Sa mga Judio, pinakasagradong pook ang Templo sa Jerusalem. Ito ang bahay ng Diyos. Dito matatagpuan ang Kanyang presensya.
Subalit ang pagdatal ni Hesus ay naghatid ng bagong ugnayan ng Diyos sa tao. Si Hesus ang Bagong Templo. Siya ang ganap na pananahan ng Diyos sa ating gitna.
Pinabanal ng kanyang pagkakatawang-tao ang buong sangnilikha at ang lahat ng sumasa-panahon. Ang bawat tao ay pinanahanan ng Espiritu. Ang kalikasan ay salamin ng presensya ng Diyos at sinasaklaw ng kanyang kapangyarihan.
Sa ating panahon, ang paglabag ng tao sa buhay at sa kalikasan ay isang paglapastangan sa mga "pook" na pinananahanan ng Kanyang presensya.
Nawa'y ang malasakit natin sa kanyang templo ay tulad din ng apoy na nag-aalab sa ating puso.
*Kapistahan ng Pagtatalaga ng Basilica ng San Juan Laterano sa Roma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|