Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
11 November 2025
 
Yabang. Nag-uugat ang kayabangan sa pagtanggi sa katotohanan. Dahil ayaw nating tanggapin ang tunay na estado sa buhay, nagtatago tayo sa likod ng mga pagkukunwari.

Dito nagsisimula ang maling pagpapahalaga. Ang yaman na sana'y magamit sa mga bagay na kapaki-pakinabang ay nalulustay lamang sa luho at gamit na nagsisilbing 'status symbol' sa lipunang ginagalawan.

Sa harap ng Diyos, wala tayong dapat ipagmalaki. Ang lahat nating pagpapagal ay pagpapahayag lamang ng ating katatayuan bilang lingkod. "Tayo'y mga aliping walang kabuluhan, ginagawa lamang natin ang ating mga tungkulin."

*Martes sa Ikatatlumpu't Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN