Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
12 November 2025
 
Biyaya. Wala tayong maituturing na sariling pag-aari. Lahat ay nagmula sa Diyos. Hindi natin kayang bayaran ang pagpapala. Sa halip, tayo ay "tumatanaw" ng utang na loob sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakawanggawa.

Ang taong nagpapasalamat ay marunong magbahagi. Hindi hadlang ang kasalatan para magmagandang-loob sa kapwa. Bakit? Sapagkat ang Diyos ang unang nagmagandang loob sa atin.

*Miyerkules sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN